Tone:
Capo: 5
Fingerpicking/Strumming pattern:
[C] [G] [Am] [F]
Verse 1:
Maaari bang balikan?
Panahong kaibigan lang turing sayo
Hindi mo ba nadarama?
o talaga nga bang manhid ka lang
Pre-Chorus:
Wala ba talagang pag-asa
Kay hirap namang limutan ka
Sinubukan ko nama-an
Sadyang ayaw talaga ah
Di naman nagmamadali
Di ka rin naman pipilitin
Patuloy na tatanawin
Di na maghahangad
ng labis, 'kaw parin ang pipiliin
Chorus 1:
Ko ohh, magunaw man ang mundo
Ikaw lang ang nais
Mag-aantay ako kahit gaano pa kalayo
Sapat lang na makita kahit na walang tayo
Ohh oh, anong magagawa ko?
Di na mapigilan, kahit pansamantala'y
Damdamin gawa ng salamangka
Verse 2:
Nagkukubli na naman
Hinihiling ka sa mga bituin ohh oh
Sinisilay ang iyong mata
Kasabay nito'y pusong umaasa
Di na nga dinadamdam
Di ko na lang ipipilit
Patuloy na magiging tanga
Di na maghahangad ng
labis, 'kaw parin ang himpilan
Chorus 2:
Ko ohh, maubos man ako
Ikaw lang ang ibig
Mag-aantay ako kahit gaano pa kalabo
Sapat lang na makita ka kahit iba ang gusto
Ohh oh, may magagawa ba ako?
Di na mapigilan, kahit pansamantala'y
Damdamin gawa ng salamangka
Bridge:
Oh kay ganda ng 'yong mata
Ngunit pagtingin ay wala
Kay swerte ng iibigan mo
Naibigay mo ang inaasam ko
Oh, umiwas nalang muna
Ngunit kay hirap pala
Tama na ba?
Hinto na ba?
Chorus 3:
Ohh, titigil na ba ako?
Ikaw lang sinta
Kahit ano ay gagawin, mahirap man ito
Nag-iisa't walang iba ang katulad mo
Ohh, hindi 'ko isusuko
Ikaw lang ang tala
Mananatili lang kahit pilit nilalayo
Sapat lang na makita ka, aking sinasamo
Ohh oh, heto na naman ako
Di na mapigilan, kahit pansamantala'y
Ikaw ang tanging salamangka